I DIED A LITTLE INSIDE!
Hi! I'm Arian Fatima Jocson.
call me Yan or Ayan.
19 years old.
Incoming 4th year Mass Communication student
at Far Eastern University.
Feel free to ask me anything.
I'm fun to be with and a jolly person!
I post what ever I want.
SMILE! :)
Ask me anything
Tamad.
Pasensya na hindi ko na nasundan yung blog ko about sa OJT ko. Nice to see you Tumblr. :)))
(Source: tevantjerry, via sheamnessy)
Photo Courtesy: 1-800-dead
(via letsgetturnjerk)
Ang OJT! bow!
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag update dito. Pero kasi busy ako! haha. Kasi may ojt na po ako. Eto na nga ang OJT ko. Ishe-share ko lang. Walang aangal ha?! haha
Ang OJT! bow!
Before the second semester ends I updated my application here in Bayan Productions for my OJT. Ayoko kasing makipagsiksikan sa mga co-students ko na mag apply sa malalaking companies tulad ng GMA, TV5 at ABS-CBN. Kapamilya rin naman po ang Bayan Prod. kaya lang Production-Block time ang tawag pag nasa labas ng ABS na katulad nito.
MARCH 7(ata)- Inaupdate ko nga yung application ko, sabi ko baka after holy week ako mag start kasi nga nag iinarte pa ko. Syempre summer eh, diba?! haha. Pero nung sinabi sakin na “bakit after holy week pa? matagal pa yun. Baka maunahan ka ng slot”. Ayun, nag hurumintado ako. Kasi naman wala na akong ibang gusto kundi dito at saka ayoko ng mag hanap pa ng ibang ojt site. Kontento na ko sa Bayan kaya pinush ko talaga.
MARCH 8- Tumawag ako at sinabi na pagkatapos na pagkatapos ng aking klase ay pwede na akong pumasok. Kasi pinag papasa na ako ng mga papers. Okay daw. Pumunta daw ako ng MArch 19 ng hapon for the orientation. E di syempre kinilig naman ako kasi start na ko pagkatapos ng klase. :”>
MARCH 16- Last day ng second semester. Syempre uuwi muna ako ng Quezon para naman makapag ligalig ng konti. Tapos ang dami ko palang lakad kasama ang barkada na hindi ko mapupuntahan kasi mga mag start na ako ng OJT. Very lungkot ang peg ko. Pero naka pagbonding naman kami ng mga tropapis kong mahal na mga taga Mauban. Syempre hindi pwedeng walang ganon. :)
MARCH 18- Birthday ni Joey at ng Best friend ko na si Paulo ngunit, subalit, dadapwat hindi ako maaring mag tagal dahil meron akong OJT kinabukasan kaya dehins akong naka sama sa kanila. :( Sadnesssss… Pero! Start na ako bukas! whoooo! (bipolar lang) :))))
MARCH 19- Bilang hapon pa ang appointment ko, sinamahan ko muna ang aking kaibigan na si Oshin upang mag hanap ng kanyang ojt site dito sa Quezon City(syempre yung malapit lang). Ayun, Dora the explorer ang peg namin. Thank you sa Iphone 4S niya at nakarating kami sa mga dapat naming puntahan. Pero wait! there’s more! haha. Waley ang ibang sites na pinuntahan namin. Fail! yung iba wala na dun, yung iba mali ang address. Kaines! haha. Last naming pinuntahan ang Kosepto na katapat lang halos ng Building ng Bayan. We are so fortunate kasi natanggap siya dun. Pero iba na yun storya na niya yun. Yung akin yung pinag uusapan dito. hahaha. ayun na nga. pumunta na kami ng Bayan bilang sabi e nandun na daw si Sir. At pag dating namin dun! Hello! Bumalik na lang daw ako bukas! Bwakanang! Nag mamaganda pa naman ako kahit haggardo na tapos bukas na daw. hahaha. Okay! madali akong kausap! :)))) Galing daw kasi si Sir sa Bora. (Sorry naman Sir. Ikaw na! :)))
March 20- Ang aga ko! First day eh syempre pabida! :)) mababait naman ang tao dito sa Bayan. Orientation ko pinag sulat ako ng mga questions, akala ko sasagutan ko ang naisip ko agad na product e yung MAng Inasal bilang na report namin yun sa Advertising! hahaha. Ngunit hindi! Yun pala yun yung mga tanong na dapat mong tandaan pag mag iinterview ka. Shet! kabado me. Edi ayun na nga, makikipag coordinate nga raw. Edi ako Coordinate naman. Pinatawag niya ako sa Barangay sa Quiapo tawagan ko daw yun at itanong si ganito at kung kelan pwedeng mag interview tungkol sa PALASPAS MAKING! edi tawag ko! Hala! wala daw dun! Tawag uilt! kulit ko na nga! Ngunit wala! syempre hindi ako papayag! sabi ko kay Sir, “Sir, kaylangan po ba talaga tawagan lang? Hindi po pwedeng puntahan?” sabi nya, ” Gusto mong puntahan?” sabi ko, “opo sana”. SAbi niya “oh, Sige”. Edi karipas ang lola nyo kahit hindi ko alam kung saan parti ng Quiapo yung Brgy. na iyon. While in Quaipo…. Tanong ako ng tanong sa vendor, security guard, at barangay tanod. Mga Bwakanang Bitch! kung saan saan ako tinuturo! pagod na pagod na ko. lakad ako ng lakad. Tapos mali yung turo sakin. Kainis! Buti na lang nandun si ate mong girl na nakarinig ng pag tatanong ko at sinabing nandun daw sa kabila yung hinahanap ko! THANK YOU LORD! sa wakas! Pero malayo pa rin pala sa kinatatayuan ko yung barangay na yun. nandun ako sa may RAon tapos sa may tulay pala ng Quaiapo yung lugar. Haggardness. Naka-pink top pa naman ako! O M! Di ba?! kainis! hahaha. ayun.. pag dating ko dun wala pa yung taong pwedeng kausapin regarding sa palaspas making na yan. edi very intay ako kahit pagod at kabado. Gora pa rin!
Ayun, dumating na ang taong pinakahihintay ko. Si Secretary! hay buhay! wala lang! Tinanong ko lang at kinuha at number niya at kung okay lang sa kanya na ma feature sila oo daw naman kaya ayun. Successful ang pag papagod ko! Okay naman! Worth it naman. Shoot agad sa Saturday. Pero hindi ako nakasama e kasi umuwi ako. Sadness… Naging exciting naman ang first day ko. Success! kasi may na accoplish ako at may nailagay sa DTR! Kaya happy me. :))
March 23-28- Sa office lang. Dun ako natutong mag Transcribe. sabi ko pa nung una ano yun. Hindi ko alam. Pero NAtutunan ko naman. Bongga!
MARCH 30- may shoot sa Quiapo. Yung Actual ng Palaspas making. Edi sumama ako. at eto ang peg ko.

BUMIBILI!

BUMILI! hahahaha. Na-tv ako! hahaha. Ang saya lang…
at jan nag start ang career ko! Choses! hahaha.
Ang saya palang makita ang sarili sa tv. At dahil yan sa OJT ko. Saya!Pero wala pa yan! Ito pa lang ang simula! Wow! Movie line! hahaha
Oh, Next time ulit mga bata. Thank you sa pag babasa! HAHAHAHA. Eto po Si Arian The explorer na nag sasabing Hanggang sa muli! :)))) *kaway2 :))))))))
(Source: leilockheart, via leilockheart)
yan ang mga walang magawa.. long time no post.. hahaha.. na cucute-an lang ako sa mga pictures.. hahahhaha
Photo Courtesy: anditslove
(via letsgetturnjerk)
(Source: letsperhaps, via getmeoutoftrouble)
(Source: atlasmountain, via letsgetturnjerk)
(via leilockheart)
OUR 5TH ANNIVERSARY! I WILL ALWAYS LOVE YOU! IINTAYIN KITA KUA! :*
Kahit na lagi tayong nag aaway, bandang huli naman ay nagiging ayus din ang lahat dahil tayo ay nag mamahalan! :*